16 CLAN BLAAN TRIBE

HOME

VISION

“I looked, and there was a white horse. Its rider held a bow; a crown was given to him, and he went out as a conqueror in order to conquer.” (Revelation 6:2)

MISSION

“Then I saw when the lamb broke one of the seven seals, and I heard one of the four living creatures saying as with a voice of thunder, “come.” I looked, and behold, a white horse, and he who sat on it had a bow: and a crown was given to him, and he went out conquering and to conquer.”

GOALS

Introduces a vision of a rider on a white horse in heaven. Thee is faithful and true, and He judges and wages war in righteousness. His eyes are flames of fire, and he is crowned with many crowns and clothed in a garment dipped in blood. (Revelation 19:11-16)

OBJECTIVES

The 16 Clan B’laan Tribe Watchman Council of Elders are here to help shape the aged care system by informing indigenous cultural communities indigenous people’s inter-kingdom, inter-tribe, and inter-clan about the aged care reforms and providing advice to the government about aged care reform and ageing well.

HOME

ANG MINDANAO AT ANG KULTURANG MINDANAWAN

ANO ANG MINDANAO O KAMINDANAWAN?

Ito ay ang ikalawang pinakamalaking pulo sa Pilipinas. Ito rin ang tawag sa isa sa  tatlong pangunahing pangkat ng mga pulo sa Pilipinas, na binubuo ng pulo ng Mindanao at ng mga nakapalibot na mga maliliit na pulo. Sa 21,968,174 populasyon ng Mindanao (ayon sa senso noong 2010), sampung-bahagdan ay mga Moro o Muslim.

ANO ANG KULTURA?   

Ito ay ang kabuuan ng pinagsama-samang pananaw ng mga tao sa kanilang lipunan. Nakapaloob sa pananaw na ito ang koleksyon ng mga kaugalian, nakasanayan, paniniwala, tradisyon at iba pa na pinamana pa ng mga naunang henerasyon na naisalin hanggang sa kasalukyang panahon. Nagpasalin-salin na kaugalian,  tradisyon, paniniwala, selebrasyon, kagamitan, kagamitan, kasabihan, awit, sining at pamumuhay ng mga tao sa isang lugar.

KILALANIN ANG MGA BLAAN

Ang mga Blaan, na binabaybay bilang “Blaan”, ay isa sa mga katutubo ng Southern Mindanao sa Pilipinas. Ang kanilang pangalan ay maaaring nagmula sa “bla’’ na nangangahulugang “kalaban” at ang suffix na “an” na nangangahulugang “mga “tao”. Mas gugustuhin ng mga Blaan na tawagin silang Blaan kaysa Bilaan dahil para sa kanila ang pagbigkasng salitang ito na Bilaan ay nangangahulugan ng kawalang paggalang at kabastusan. 

Ayon naman kay Arcenas, may dalawang klasipikasyon ang pangkat-etniko. Ito ay ang To Lagad o highlanders o mga Blaang nakatira samatatarik na bundok at To Baba o lowlanders, mga Blaang nakatira sapatag. May mga To Lagad sa Davao del Sur, South Cotabato at SultanKudarat. Samantalang ang mga To baba naman ay matatagpuan sa tabing-dagat ng Sarangani at General Santos City, at sa ilang bahagi ng Davao Del Sur sa lungsod ng Jose Abad Santos, Balut at Sarangani Island. Wikang Blaan ang kanila ring wika. May sariling estrukturang politikal kung saan ang katutubong pamayanan ay pinamumunuan ng mga fulung o tribal chieftain. May mayamang materyal  at di-materyal na kultura tulad ng katutubong sayaw o tinatawag nilang maral, katutubong kasuotan tulad nglbung at daféng para sa kababaihan at  tabih at utub  para sa kalalakihan, mayroon ding awit o malëm, kuwento o flalók, musikal na instrumento tuladng faglung o lute, gong o falimák, at kagamitang pandigma at pangangaso tulad ng espada o fais, sibat o agas, at busog at pana o bohol na fana.