16 CLAN BLAAN TRIBE
HISTORY
KASAYSAYAN NG MGA BLAAN
Ang mga B’laan ay sakop ng unang pangkat ng mga Indonesian nadumating at nanirahan sa Pilipinas mga 5,000 o 6,000 taon na ang nakaraan. Sila ang unang gumamit ng bangka bilang paraan ng kanilang transportasyon patungong Pilipinas.
Ayon kay Dolphin Cugan, isa sa mga pinuno ng mga Blaan, ang kanilang tribo ay nagsimula bago pa ang panahon ng mga Espanyol. Noong panahon ng Sinaunang Pamayanan kung saan ang kalakalan ay masagana bago dumating ang mga Espanyol, mayroong dalawang magkapatid na pinuno, sina Flasap at Pley Fubli. Nag-asawa si Pley Fubling isang mangangalakal mula sa gitnang silangan habang si Flasap na manay hindi. Ang mga anak ni Flasap ang kasalukuyan ngayong ninuno ngmga 18 grupong Lumad habang ang mga anak naman ni Pley Fubli ay ang mga ninuno ng 13 grupong Moro ngayon. Panahon pa lamang ng mga Espanyol ay nakikipagdigma na ang mga Blaan upang depensahan ang kanilang teritoryo, ang lupang ninuno. Nilabanan ito ng mga angkan, ng mga pamilya, ng buong komunindad. Naging matagumpay naman ang pakikipaglaban nilang ito dahil hindi gaano naabot ang mga Blaan ng mga ideolohiyang kolonyalistang Espanyol, maging ng relihiyong Katolisismo. Ngunit nang dumating ang mga Amerikano sa bansa, naabot nila at ng kanilang mga ideolohiya ang kaloob-looban ng Mindanao, gayundin ang komunidad ng mga Blaan dahil na rin sa mga missionary works ng relihiyong Protestantismo. Kumalat na sa mga Blaan ang mga ideolohiya at ilang kaisipang-Amerikano ngunit kasabay nito ay ang patuloy nilang paglaban sa mga epekto ng kolonyalismong Amerikano. Ang teritoryo ng mga Blaan ay nakabase hindi sa papel, ngunit sa kanilang “native title,” wika nga ni Cugan. Ang mga ito ay ang mga katawan ng lupa at tubig na kanilang pinoprotektahan tulad ng mga bundok, bulubundukin, ilog, lawa, sapa, at iba pa. Sabi pa ni Cugan, ang tribo ay isang tribo kung siya ay mayroong teritoryo, kultura, at sistemang pulitikal.
Ayon sa kanya, ang teritoryo rin ang nagsasaad ng ekonomiya ng komunidad habang ang pulitika naman ang nagsasaad sa kung papaanohinahawakan at pinapatakbo ang buong komunidad. Datu system ang mayroon sa tribo ng Blaan habang umaabot naman sa Sultanate systemang mga Moro. Sa katunayan, ang terminong “datu” ay nagmula sa mga “Moro.” Hiniram lang ito ng ibang grupong Lumad dahil ito ang pinalaganap na katawagan ng gobyerno noong panahon ni Marcos. Bongfulong ang tawag sa katutubong pinuno ng mga Blaan (Lalo 2014, 1).
Kung kaya ang datuship ay tinatawag sa Ingles na “fulongship.” Kung isasalin sa Pilipino, “pamumuno ng fulong” ang dapat itawag dito.
ANG KASAYSAYAN NG TRIBONG BLAAN
Ang kultura ng Blaan ay likas na makulay at mayaman sapagkat binubuo ito ng mga iba’t ibang paniniwala sa mga bagay-bagay sa kanilang paligid.May dalawang uri ang katutubong Blaan ang To Lagad o Highlanders na nakatira sa matataas na bundok at To Baba o Lowlanders naman ay sa mapatag na lugar. Makikitang taos-puso nilang niyayakap ang nakagisnang kultura mula noon hanggang ngayon kahit pa moderno na ang panahon natin ngayon. Ang kanilang kultura ay nahahati sa dalawang uri: Una ay Kulturang Materyal na tumutukoy sa mga tawag ng naiibang kasuotan at pati narin ang mga palamuti sa katawan ng mga babae at lalaking Blaan.
Ang tawag sa sinaunang kasuotan ng mga kababaihan ay “Tabih”, ito ay tubular skirt na gawa pa sasariling mga kamay.” Saul S’lah” naman ang tawag sa kanilang pang itaas na kasuoton ng kababaehan at “Dafeng” naman ng tawag sa kanilang pang-ibabang kasuotan. Sinasabing sa tuwing may okasyon o pagdiriwang isinusot nila ang “Swat” o suklay nagawa sa beads; “Sabetan” naman ay kanilang isinusuot sa bewang bilang sinturon at tinatawag na “Sinkle Babat” ang maliit na kampanilya na gumagawa ng tunog na isinusuot nila sa bandang paa. Samantalang ang mga lalaking B’laan naman ay may tawag sa kanilang natatanging kasuotan, ang tawag sa pang-itaas na suot nila ay “Saul Laki” at sa pang-ibabang kasuotan naman nila ay tinatawag na “Salwal Blaan. Mayroon din silang sinusuot sa kanilang ulo itp ay ang “Utob” at ang isinusot naman sa bandang leeg bilang kwentas ay tinatawag na “Kamagi”.
Pangalawang uri ay ang Kulturang Di-Materyal na may mga akdang pampanitikan na syang nagsisilbing salamin ng lahi na tatlong kategorya: Kaugalian o Paniniwala, Pamilya at Pagpapakasal gaya na lamang ng mga Alamat na Etolohikal, Mito, Salaysayin at Pabula. Naniniwalang ang mga katutubong Blaan ay isinasagawa na ritwal bilang paghingi ng permisyon bago gamitin ang mga bagay, naniniwala rin sila sa pagkukulay ng itim sa ngipin at ang paniniwala na ang lupa ay buhay.
Gayunpaman, ang kanilang kultura ay bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang lahi, nabubuhay sila para dito at ang kultura naman ay nabubuhay para sa kanila kumbaga hindi sila makikilala bilang katutubong Blaan kung wala ang kanilang kultura. Ayon pa ni Gonzales (1978) na itinatampok sa panitikan ang mga karanasan at kalagayan ng lipunan o pulutong ng mga taong naghahari sa kinauukulang panahon. Ito ang nagsisilbing tulay tungo sa pag-unawa sa kultura ng isang nilalang na kabilang sa isang pangkat. Sa panitikan din masasalamin ang dalawang uri ng kulturang ito—ang materyal at di materyal na kultura. Maaaninag sa ating panitikan ang lalim ng ating kultura at ang malikhaing katalinuhan ng ating lahi (Buensuceso et al., 1997). Idinagdag ni Gonzales na hindi maaaring ihiwalay ang panitikan ng bayan sa kanyang kasaysayan, sa kanyang kultura at kabihasnan. Ito’y larawan ng buhay, kahapon, ngayon, at ng bukas. Lahat ng naganap na mga pangyayari sa bayay nasasalamin sa panitikan.
Ibig sabihin hindi pwedeng mawala ang pagtangkilik sa mga panitikan na syang naging isa sa pundasyon upang manatiling magiging matatag ang isang lahi at ang panitikan din ang nagsilbing daan upang mapayabong ang kultura at maipasa sa susunod na henerasyon at manatili ito habang buhay.
BUONG BERSYON
Tulad ng ibang pangkat etniko sa Pilipinas, ang mga Blaan ay maysariling kaugalian at kultura na naiiba. Likas sa kanila ang may natatanging makulay at nakakamanghang kultura o tradisyon, ang kanilang mga kultura ay nahahati sa dalawang uri: Kulturang Materyal at Kulturang Di Materyal.
Ang Kulturang Materyal ay gaya na lamang tungkol sa kanilang kasuotan. Ayon kay Yeh, Sally L. Sugue, ang mga Blaan noon ay walang mga kasootan. Ang ”Tluko o bagul” na hinulma sa maseselang parte ng isang babae’t lalaki ang tanging pantakpan nila sa katawan. Maswerte ka na raw kung may kakayahan kang bumuo’t makagawa ng ”Tabih.” Ang “Mabal” ay isang salitang B’laan sa prosesong paghahabi ng abaca. Ang “Tabih” naman ay nangangahulugang kasuotan na produkto ng gawang-kamay at ito ay tumutukoy sa tradisyunal na “tubular skirt” ng mga B’laan. Natural na mga tina galing sa mga netibong halaman sa kanilangkomunidad ang iba’t ibang gamit sa pagkukulay. Ang mga babaeng bagong panganak noon ay walang ginagamit na ”slafad o lampin.” Ang kanilang mga pambalot noon ay ang halamang malapad ang dahon at ang mgababaeng bagong panganak noon ay kinailangang maligo. Simbolo raw ito sa kalinisan at kalakasan. Mayroon ding ginagamit ang mga babaeng B’laan tuwing may pagdiriwang o okasyon Ito ay tinatawag na Swat, ito ay isang uri ng suklay na gawa sa beads. Sabetan naman ang tawag sa uri ngsinturon na ginagamit din ng mga babaeng B’laan tuwing may okasyon. Sapag-aani ng palay, mais, kamote at gulay ang tinatawag na Boon angginagamit ng mga kababaihang B’laan, ito ay isang uri ng lalagyan o basket na gawa sa nito, abaca o bamboo. Mayroon ding ginagamit ang mga babaeng B’laan kahit saan man lalong lalo na kung may okasyon ito ay ang Sinkle Babat, ay ang mga maliliit na kampanilya na gumagawa ng tunog gayundin ang mga pulseras. Mayroon ding sinusuot ang mga lalaking B’laan sa ulo ito ay ang Utob. Sa kasuotang pang ibaba naman ng mga lalakeng B’laan, ang Salwal B’laan ay tinahi gamit ang abaca payberat ang disensyo nito ay tulad din sa isinusuot na pang ibaba ng mga kababaehan. Bilang karagdagan, mayroon din silang ginawa bilang bilang palamuti sa katawan, isa na rito ang Kamagi ay isang kwentas napinagdudugton-dugtong na bilog na bakal at bumubuo na parang kadena, sa dulo nito ay may mga maliliit na kampana o bilog na tingga nagumagawa ng tingkling na tunog. Sa pagluluto naman mayroon silang ginagamit ito ay ang Eluh B’laan na inukit mula sa kahoy.
Sa kabilang banda, ang mga B’laan ay may Kulturang Di Materyal. Ayon sa relihiyon ng mga katutubong B’laan, ang kanilang paniniwala kay Melu ang kataastaasan at tagapaglikha na may puting balat at gintong ngipin sya ay may katulong na sina Fiuwe at Tasu Weh. Naniniwala rin silang si Fiuwe ang espiritung naninirahan sa kalangitan kasama si Diwata at si Sawe naman ay nanirahan dito sa mundo sya kasama ni Melu. Mayroon din silang paniniwala na may masamang espiritu ito ay si TasuWeh. Di rin nawawala ang paniniwala nila sa espiritu ng kalikasan at si Fon kayo o bilang espiritu ng mga punong kahoy.
Kabilang sa Kulturang Di Materyal ang ang mga Kwentong Bayan ngmga B’laan, likas na di nawawala ang pagtangkilik sa mga panitikan nanagsisilbing bahagi ng kultura. Una ay ang ang Alamat na Etiolohikal. Ang Etiolohikal ay ang mga alamat na nagpapaliwanag sa pinagmulan, gaya ngpinagmulan ng mga anyong-lupa, mga anyong tubig, mga hayop at mga halaman. Kabilang dito ang mga alamat na nagpapaliwanag bakit taglay ng mga bagay ang mga katangiang mayroon sila ngayon. Halimbawa nito ay ang Taggutom (Akdaw Fule), Ang Usa (Sladang), Alamat Ng Unggoy (Kagbot ye Ewas), Tafe (Tafe) at si Bnoleng (Bnoleng). Ikalawa ay ang Mito ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol nga tradisyonal na kuwento omito, mga kuwento na binubuo ng isang particular na relihiyon o paniniwala. Halimbawa nito ay Ang Paglikha ng Tao (Akmo En Tao). Pangatlo ay ang Salaysayin, isang kuwento, o istorya ay anumang paglalahad ng isang serye ng magkakaugnay na mga pangyayari o mgakaranasan, kahit na ito pa ay hindi kathang-isip, halimabawa nito ay Ang Pag-ibig na Nabuo sa Snaal Kuhan (Kassiwal Be Snaal Kuhan), Ang Matandang Lalaki (Tuha Loge Mnagaw), Ang Batang Ampon (Nga Fikit), Ang Pinuno (Bong Tao). Bayanihan (Sanggan Amket Gene), Si Taliley (Taliley), Ang Prinsipe at ang Kanyang Asawa (Loge dnato na Lebon Bnoe), Ang Prinsipe sa Bukid Gdongos (Loge Dnato be Bolol Gdongos), Ang Pinuno (Bong Tao), Bayanihan (Sanggan Amket Gene) at iba pa. Pang-apat ay ang Pabula naman ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga bagay na walang buhay ang gumaganap na mga tauhan, halimbawa nito ay Si Paitan, Alimango, Dalagat Palaka (Faet, Klange, Alon a Fak), Ang Kuhol at Palaka (So na Fak), Sina Bukaw at Tahaw (Bukaw na Tahaw).
Bilang karagdagan sa Kulturang Di Materyal mayroon din silang mgapamahiin o paniniwala na mula pa sa kanilang ninuno at hanggang ngayon ay bahagi pa rin ng kanilang pangaraw-araw na buhay. Una ay ang paghingi ng permisyon bago gamitin ang mga bagay-bagay, hindi nila pwedeng hawakan o sirain ang anumang nilalang o bagay nawalang permisyon sa pamamagitan ng mga ritwal. Sa mga ritwal na ito, gumagawa sila ng mga handog sa kanilang mga diyos para sa kanilang mga kahiling. Ang palatandaan upang malaman nila kung kalian na panahon ang may pinakamagandang tamnan. Pangalawa ay ang pagkukulay sa item na ngipin, tradisyon ng mga Blaan ang pagkukulay ng itim sa kanilang ngipin. Para sa mga Blaan, simbolo ito ng kagandahan at kapangyarihan. Pangatlo ay ang paniniwala na ng lupa ay buhay, ipinapakita ng konsepto ng pook ang kahalagahan ng lugar at kinaroroonan sa paghubog ng identidad. Sa kasaysayan ng maraming katutubo, ang komprontasyon ng magkakaibang pananaw tungkol sa lupa ay nag bunga sa pagtataboy sa mga katutubo sa kanilang katutubong lupain (Ashcroft et. al., 2005).
Ilang din sa mga kulturang di material ay ang mga nakapaloob sa kwentong bayan mula sa iba’t ibang kategorya:
1. Kaugalian o Paniniwala, gaya ng pagsasaalang-alang sa bituin bilang hudyat ng pag aani, paniniwala sa langit, paniniwalasa mga paraan upang makarating sa langit, pagpapahalaga at pangangalaga sa nilikha D’wata, pagsasagawa ng kanduli, paggamit ng dahon at halaman sa panggamot ng iba’t ibang klaseng karamdaman;
2. Pamilya, gaya ng responsibilidad ng ama na buhayin ang kanyang pamilya, pananatili ng anak na babae sa bahay upang isagaw ang mga gawaing bahay, pagtulong ng anak na lalaki sa ama sa paghahanap ng makakain ng pamilya at ang ginagampanan ng asawang babae ang pagluluto;
3. Pagpapakasal at Pagaasawa, gaya ng matanda o datu ang namumuno sa kasal, paghingi ng pahintulot ng binata samagulang ng dalagang nais na mapangasawa, pagbibigayan ng sablag (dowry) ng pamilya ng binata at dalagang magpapakasal.